Wednesday, October 21, 2015

Maine draws praises for humility AlDub's phenomenal No.1

Marami ang humahanga sa Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Bukod sa mga nakakatuwa nitong video at sa angking kagandahan, kapansin-pansin rin ang pagiging simple at natural nito sa harap man o likod ng camera. 

Nitong linggo, ibinahagi ng isang fan ang nasaksihan nilang kababaan ng loob mula sa dalaga kasabay ng break time sa set.

Ayon sa Instagram post ng netizen na si Jean Beatriz Martinez, “Lumalabas ng tent para kumuha ng sariling pagkain kahit na pwede naman nyang iutos sa iba. Hindi mapagmalaki. The epitome of humility. We're so proud of you Maine, really,” 

“Ito ang tunay na artista. Kahit sobrang sikat na hindi kailanman lumaki ang ulo, she always remember where she comes from,” dagdag pa niya.


Maging ang mga celebrity stylist at make up artist na nakatrabaho ni Maine ay hanga rin sa pagiging simple nito sa kabila ng kasikatang tinatamasa dahil sa phenomenal na Kalyeserye. 

Ayon sa celebrity make up artist na si Krist Bansuelo, very professional si Maine.

“Para siyang bata. Hindi umaangal and work is work talaga. She's very professional and she just listens to the directors,” kwento ni Krist.

Dagdag pa niya, "She's very light to work with. I think, hindi pa nagse-settle sa kaniya na sikat na siya, and I think it will never get to her head. She's very grounded. Hindi siya namimili ng tao na pakikisamahan. You would really see na she has a good heart. She does not have an air of being a superstar in her.




---http://www.gmanetwork.com/